ALDY AGUIRRE
Bulong at Sigaw
watercolor on acid free paper
Maliban sa muling pagkilala sa sarili at pag-iisip ng mga bagay bagay, muling lumilitaw ang mga kadalasang isinasa isang- tabing pag-uusap at alam ng mga bulong na iyon na may sapat nang oras ngayon, na pwede na akong maupo at makipag-usap. Mga bulong na lumalakas, nakakahanap ng daan palabas at nagpapapansin, gusto ko rin naman silang mapansin. Gaya rin ng sa iba, hindi mabilang na mga bulong, ngayon ay mga higanteng hiyaw, lahat gusto ring marinig, naghahanap ng pansin. Ang ilan ay walang laman, ingay na may lason, may dulot na pagkabulok kaysa sa sakit na kinatatakutan, nakakahawa at inaagnas; ang ilan ay nalunod na lamang sa lahat ng ingay, mga mahinang sigaw, hindi napapansin, mas desperado at nangangailangan ng kagyat na pagkakaligtas; at may mga alingawngaw na bumabalik, kasama ang mga parehong bulong. May sapat nang oras ngayon, tumayo ka na.